Sa pamamagitan lang ng drug test malilinis ni Pangulong Duterte ang kanyang pangalan, at makukumpirmang joke lang ang sinabi niyang gumagamit siya ng marijuana.

Ayon kay Senator Antonio Trillanes IV, tanging drug test lang ang paraan para mapatunayan ng Pangulo na hindi siya nagdodroga.

Aniya, nahihirapan na ang mga kaalyado ng Pangulo na ipaliwanag ang sinabi nitong “nagma-marijuana para magising”, na kalaunan ay nilinaw nitong biro lang.

“Too late! Bistado na siya na isa rin pala siyang durugista. Now, if he really wants to clear himself, I am again calling on him to take a drug test,” ani Trillanes.

Internasyonal

Mga Pinoy na ilegal na naninirahan sa Amerika, binalaan ng PH Ambassador

Gayunman, sinabi ng Malacañang na hindi papatulan ng Presidente ang hamon ni Trillanes, at iginiit na ang senador ang nangangailangang sumalang sa drug test.

“I think he (Trillanes) should be the one to undergo that. Hindi niya (Duterte) papatulan ‘yan,” sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.

“Look at this person, this President. Malakas. Sinasabi niya naman sa atin kung ano ang diperensiya niya,” sabi pa ni Panelo, tungkol kay Duterte.

-Leonel M. Abasola at Argyll Cyrus B. Geducos