Makikipagpulong ang Korte Suprema sa ilang paaralan sa bansa na nag-aalok ng abogasya, para sanayin ang mga estudyante sa sa pagbibigay ng libreng serbisyo sa mahihirap at nasa marginalized sector ng lipunan.

Ayon kay Chief Justice Lucas Bersamin, ang naturang hakbang ay bahagi ng judicial reform na prioridad niyang maipatupad.

Bago maitalagang Chief Justice, nagtungo sa Amerika sina Bersamin at Associate Justice Alexander Gesmundo sa imbitasyon ng US State Department, sa pamamagitan ng International Narcotics and Law Enforcement Affairs, upang pag-aralan ang programa ng mga pangunahing law school sa Amerika.

Nais din niyang gayahin sa Pilipinas ang programa ng pagbibigay ng libreng legal service sa mahihirap.

National

PBBM sa WPS: 'Ito ay hindi kathang isip lamang, ito ay atin!'

-Beth Camia