ANG mga artista, lalo na at sikat, ang paboritong i-bash sa social media. Nabiktima na rin nila si Kathryn Bernardo, at ilan sa mga ibinabato sa aktres ay ang pagiging maarte at pabebe raw niya.

Kathryn copy

“Lahat po tayo ay may kaartehan, at okay lang ito basta nasa lugar,” sabi ni Kathryn nang mag-guest sa Tonight With Boy Abunda. “Pabebe? Hindi ako pabebe, akala lang nila ito.

“No o n g u n a ay naapektuhan ako ng mga puna pero kalaunan ay nasanay na rin ako at hinahayaan ko na lang. At hindi po ako pikon,” sabi ni Kath.

Ogie Diaz, pinayuhan ang BINI na 'wag nang mag-Jabbawockeez ulit

Inaakusahan din si Kathryn na nagparetoke ng ilong, na itinanggi niya.

“Wa l a a k o n g ma k i t a n g masama kung ang isang tao ay magpaparetoke. Kung ikagaganda ay bakit hindi? On my part ay wala po akong ipinaayos sa kahit anong bahagi sa aking katawan,” sinabi ni Kath kay Boy Abunda.

Sa pagtatapos ng nasabing i n t e r v i ew a y i n a n y a y a h a n ni Ka th ang movi egoe r s na panoorin ang Three Words to Forever, na pinagtatambalan nina Sharon Cuneta at Richard Gomez.

On its third week of showing ang pelikula, na ayon sa katotong Jobert Sucaldito ay hindi mega hit but definitely not a flop.

-REMY UMEREZ