SI Direk Enrico S. Quizon muna ang nakausap at natanong namin sa grand presscon ng One Great Love ng Regal Entertainment, kung totoo na may mga love scenes sina Dennis Trillo at JC de Vera kay Kim Chiu sa naturang pelikula na isa sa mga official entries sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong buwan.

Kim at Dennis

“Yes, tatlong love scenes, dalawa ang love scenes ni Kim kay JC, sa bath tub at sa bed, si Dennis once lamang sa harap ng fireplace,” sagot ni Direk Eric.

“Masaya ako na hindi tumanggi si Kim nang sabihin namin sa kanya na may love scenes siya dahil first time lamang pala niya itong ginawa sa movie.”

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Tinanong din namin si Dennis tungkol sa love scene nila ni Kim.

“Nakakatuwa si Kim dahil wala siyang arte, kung anong kailangan sa eksena, ibinigay niya, minsan nga sobra pa,” sagot ni Dennis.

“Kung mapapanood ninyo ang movie, ang makikita ng mga tao rito ay hindi si Kim, kundi ang character niyang si Zyra.

“Sa simula, kinabahan kami ni Kim, kaya pinag-usapan namin kung ano ang dapat naming gawin, then naging comfortable na kami sa isa’t isa. And with the guidance of Direk Eric, naitawid namin ang intimate scene na lumabas na very artistic naman.”

Biro pa ni Dennis, nakatulong ang lamig sa Tagaytay at ang init ng fireplace sa tabi nila during the shoot.

No problem naman kay Dennis na gumawa ng ganitong eksena dahil naiintindihan siya ng girlfriend niyang Jennylyn Mercado, na kasama iyon sa trabaho nila bilang mga artista. Since very open na rin sina Dennis at Jennylyn, ang girlfriend na ba ang masasabi niyang ‘one great love’ niya?

“Masaya kami ni Jen at sa palagay ko, siya na nga iyon, kaya wala nang atrasan,” nakangiting patapos ni Dennis.

Ngayong tapos na ang movie, busy naman si Dennis sa mall show nila para i-promote ang One Great Love at sa taping niya ng action-drama series niyang Cain at Abel, kasama si Dingdong Dantes na napapanood gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA 7.

-NORA V. CALDERON