Bahagyang bumagal ang pagsipa ng inflation rate nitong Nobyembre makaraang maitala ang 6.0 percent, ayon kay National Statistician Lisa Grace Bersales, ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Mas mababa ito kumpara sa 6.7& naitala noong Setyembre at Oktubre.

Top contributors sa overall inflation rate ang pagkain at non-alcoholic beverages, housing, water, electricity, gas, at transportasyon.

Sa NCR, bumagal sa 5.6% ang inflation mula sa dating 6.1 percent, habang nananatili namang pinakamabilis ang inflation sa Bicol sa 8.9%, pero mas mababa ito sa 9.9% noong Oktubre.

National

PBBM sa WPS: 'Ito ay hindi kathang isip lamang, ito ay atin!'

Kumpiyansa naman ang Department of Budget and Management (DBM) na sa pagpasok ng 2019 hanggang 2020 ay babalik na sa 2%-4% ang inflation rate sa bansa.

Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, ang nasabing projection ay dahil sa pagbaba ng presyo ng mga bilihin.

Gayunman, iginiit ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) na nananatiling mataas ang aktuwal na presyo ng pagkain, iba pang mga kalakal, at mga serbisyo sa bansa sa kabila ng pagbaba ng inflation rate.

Iginiit ni Alan Tanjusay, tagapagsalita ng ALU-TUCP na malinaw na hindi ginagawa ng mga economic managers ng pamahalaan ang kanilang trabaho, dahil magkaiba ang resulta sa survey ng gobyerno sa aktuwal na presyuhan sa mga pamilihan.

“This serious disparity tells us that the economic managers are just confined in doing table studies inside the elegant and airconditioned government boardrooms and not validating their survey with the realities experienced by ordinary people,” ani Tanjusay.

-BETH CAMIA at MINA NAVARRO