MAHIGIT 300 mahihirap na residente ng Mamasapano, isa sa ‘most conflicted-affected town’ sa Maguindanao, ang nabibiyaan ng tulong sa magkatuwang na serbisyong medikal at dental na isinagawa ng militar at ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), kamakailan.

Idinaos ang medical at dental mission, na tinawag na ARMM People’s Day, sa municipal Gymnasium ng Mamasapano.

Pinangunahan ang outhreach program ng rehiyonal na pamahalaan ng ARMM, na nilahukan din ng Army’s 40th Infantry Battalion at sa pakikipagtulungan ng ARMM line agencies para sa pagbabahagi ng serbisyo sa mga pinakamahirap na nasasakupan.

Kabilang sa mga ipinagkaloob na serbisyo sa aktibidad ang medical checkup sa 200 benepisyaryo, libreng dental service 50 residente, circumcision sa 36, at libreng gupit ng buhok sa 50 benepisyaryo.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Habang nakatanggap ang mga residente ng serbisyong pangkalusugan, inaliw naman ang iba pang mamamayan ng 40th IB ‘Magiting Band’, na nagbigay ng magandang tugtugin at awit sa buong aktibidad.

“Many municipalities in Maguindanao have already benefited from the social and health services brought by the partnership of regional government of ARMM and 6th Infantry Division,” pahayag ni Maj. Gen. Cirilito Sobejana, Army’s 6th Infantry Division commander.

“The residents of Maguindanao deserve free government services as we want to make sure that it reached the people at the grassroots level of the community,” aniya.

Dagdag pa ni Sobejana, marami pang bayan ang nakalinyang puntahan ng Army-ARMM medical-dental team.

Matatandaang naging laman ng balita ang bayan noong Enero 25, 2016 nang maganap ang insidente ng Mamasapano sa Barangay Tukanalipao, na kumitil ng 44 na miyembro ng police’s Special Action Force na target ang Malaysian terror bomb maker na si Zulkifli Abdhir, alyas Marwan, makaraang makipagsagupaan sa mga rebeldeng moro.

Nagtatago noon si Marwan, na napatay din sa operasyon, sa ilalim ng proteksiyon ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, isang grupo na humiwalay sa Moro Islamic Liberation Front.

PNA