SA imbitasyon ng TV-radio host/actor/talent manager na si Ogie Diaz nitong Sabado ay nasaksihan namin ang workshop sa kanyang Meera Khel Studios, sa bahay niya sa Quezon City.

Henz at Yam

Inabutan naming isa-isang pinakakanta ng mahusay na aktres at classical singer na si Beverly Salviejo ang mga nagwo-workshop bilang paghahanda sa kanilang recital kinahapunan.

May mga napaiyak pa dahil tsina-challenge sila ni Beverly, para raw lumabas lumabas ang kanilang acting ability.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Isa sa nakita naming naroon ay ang alaga ni Ogie na si Henz Villaraiz, na may hawak na gitara at kumakanta-kanta. Sayang nga at hindi na namin inabot ang recital para sana narinig namin ang boses ng lahat.

Kilala na ang pangalang Henz, dahil sumali siya sa Pinoy Boy Band at hindi pinalad na mapasama sa grupo niya sa nabuong Boyband PH.

Napasama si Henz sa pelikulang ML (Martial Law), entry sa nakaraang 2018 Cinemalaya Film Festival, bilang kaibigan ni Tony Labrusca.

Mahaba ang buhok ni Henz sa ML, kaya laking gulat namin nang makita siya sa nakaraang presscon na maiksi na ang buhok.

Base sa panayam ng katotong Jerry Olea, tinanong niya s i Henz kung napanood niya ang Glorious na ginampanan ng kaibigang si Tony. Umoo si Henz at biniro pa nga niya ang bagong leading man ni Angel Aquino: “Wow, dude! You’re evolving in a good way!”

Aminado naman ang batang aktor na hindi pa niya kaya ang ginawa ni Tony, o baka nahihiya pa siya o wala pang lakas ng loob.

“Maybe in three years, five years when I’m 20+,” sabi ng baguhang aktor.

Wala pa raw kasing experience si Henz.

“Experience, saka ‘yung built ko. Kasi, si Tony is like (hunk),” aniya, habang nagmumuwestra ng malaking katawan.

Pero hindi naman isinasara ni Henz ang pintuan niya sa katulad na opportunities.

“If ever po there’s an opportunity, I would do it. Pero like, I’m not yet ready for that po. I’m willing to do po ‘yung medyo mellow rom-com, mga gano’n po.”

For the record ay hindi pa kasi nagkakaroon ng kasintahan si Henz kaya wala siyang alam pagdating sa babae, kaya tawang-tawa siya nang tanungin siya kung masarap siyang humalik.

“Hindi ko po alam! Ha, ha, ha, ha! I’ve never had a girlfriend po ever. Ha, ha, ha, ha! I don’t know!” say ng bagets.

At dahil siguro sa kapapanood ni Henz ng seryeng Halik, sinabi niyang gusto raw niyang magpaturo ng halik.

“In a good way po ito, ‘yung matututo ako. Si Miss Yam (Concepcion) po.”

Ay grabe na nga talaga ang Halik nina Yam, Jericho Rosales, Yen Santos, at Sam Milby, at kahit kabataan ay pinapanood sila.

-Reggee Bonoan