SINABI ni Aiko Melendez na boto siyang maging ka-loveteam ng anak niyang si Andrei Yllana ang anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales na si Atasha Muhlach sakaling pasukin na rin ng huli ang showbiz.

Atasha at Andre

“Ay puwede! Hindi man kami nagkatuluyan ni Aga, ang gandang bata ‘yun. Bet ko ‘yun at sobrang papayag ako, magiging presidente pa ako ng fans club nila,” masayang sabi ng aktres.

Binanggit namin kay Aiko ang pagkakasabi niya ng “hindi man kami nagkatuluyan ni Aga”.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“Oo, kung hindi man kami, baka puwedeng sila. Kung pumayag si Charlene. Malay mo, ang ganda, ‘di ba?” tumawa ulit na sabi ni Aiko.

May punto naman talaga si Aiko, dahil nakikinita naming bagay sina Andrei at Atasha. Pero depende nga kung magso-showbiz ang unica hija ng mag-asawang Aga at Charlene.

Anyway, hinto muna sa showbiz si Andrei dahil kailangan nitong mag-concentrate muna sa pag-aaral. Bumaba raw kasi ang mga grades ni Andrei, kaya payo ng Mama Aiko niya ay mag-aral muna.

“Nag-aaral siya ngayon. Nu’ng time na nagkaroon kami ng deal na ‘mag-aral ka at mag-artista ka pero give me good grades’, eh, medyo hindi niya kayang pagsabayin. Kaya sabi ko, mag-aral muna siya para walang sisihan (sa huli).

“Sayang nga kasi may mga endorsements din. Pero I’m sure kapag ready na talaga si Andrei na pagsabayin ang lahat, babalik at babalik siya,”paliwanag ni Aiko.

Si Andrei ay anak ni Aiko sa dating asawang si Jomari Yllana.

-REGGEE BONOAN