MAAGA ang Christmas celebration ng pamilya nina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Ate Zia, at ng coming baby boy nila.

Team Dantes Christmas Celeb copy

Taun-taon itong ipinagdiriwang ng DongYan fans, ang The Dongyanatics, na kasama ang lahat ng fan clubs nilang mag-asawa, at kasama na ring nagse-celebrate si Zia na laging life of the party, kahit noong one year old pa lamang siya at bago pa lamang nagsasalita.

Bukas, December 2, ang celebration, 5:00-8:00 pm. Obviously hindi na nila sinabi kung saan gaganapin ang party dahil alam na ng mga fans kung saan ang venue.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Natatandaan namin na bago pa isinilang si Zia last November 23, 2015, sa baby shower for Zia hosted pa rin ng The Dongyanatics ay nagkaroon ng name reveal, pero nakiusap si Marian noon na huwag munang ilabas. Para lang sa kanila iyon, bilang pasasalamat sa pagiging loyal fans nilang mag-asawa simula pa noong nagtambal sila sa Marimar.

Sa invitation ay nakalagay ang Baby JD4. Iyon na kaya ang magiging name ng kanilang baby boy, Jose Sixto Dantes IV, dahil JD3 na si Dingdong? Nang tanungin namin noon si Marian kung ano ang napili nilang name ng baby, si Dingdong daw ang magbibigay ng name sa magiging anak nila.

So, wait na lang tayo. Tiyak namang ire-reveal pa rin ng mag-asawa kung ano talaga ang magiging name ng kanilang baby boy.

-Nora V. Calderon