SA isang tweet ng sikat na spoken poetry artist na si Juan Miguel Severo last Saturday, nagpasalamat siya sa malaking suporta na ibinigay nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, matapos na mag-organisa ang KathNiel ng block screening para sa pelikulang Hintayan sa Langit.

Kathryn at Daniel copy

Ayon sa tweet ni Juan Miguel, na isa ring KathNiel fan, “very grateful” siya na mismong mga idolo pa niya ang nagpa-block screening para sa kanya.

“So you know how fans organize block screenings for their idol’s movies? Baliktad ang nangyari sa akin. Ang tagal ko nang fan ng dalawang ito at sila ang nag-organize ng block screening ng pelikula ko. Pakshet! I am very grateful.”

Cong TV malabo raw pumasok sa politika, sey ng misis

Naging kaibigan ni Juan Miguel ang KathNiel nang magkasama sila sa pelikulang The Hows Of Us. Si Juan Miguel ang gumanap na isa sa mga kaibigan ni Kathryn sa pelikula. Simula noon, naging friends na sina Juan Miguel, Kathryn, at Daniel.

In fairness, marami ang nagsasabing maganda ang istorya ng Hintayan sa Langit, at most recommended itong panoorin. Tungkol ang pelikula sa walang hanggang pagmamahalan ng isang magkasintahan na nagkita muli sa purgatory, at sabay na naghintay ng pag-akyat nila sa langit.

Ang Hintayan sa Langit ay orihinal na isinulat ni Juan Miguel Severo, sa direksiyon ni Dan Villegas, at pinagbibidahan nina Eddie Garcia at Gina Pareño.

Nagkamit ng Audience Choice Award ang pelikula sa nakalipas na QCinema Film Festival 2018.

-Ador V. Saluta