IBINALITA ng ABS-CBN na engaged na si Jake Zyrus sa girlfriend niyang si Shyre Aquino. Inamin ito ni Jake sa interview sa kanya nina Darla Sauler at Jhai Ho, na mga host ng I Know Right.

Jake at Shyre copy

Hindi na lang binanggit ni Jake kung kailan siya nag-propose sa fiancée niya, at nag-thumbs up sign lang ito nang matanong sa balitang ikakasal na siya.

“When somebody asks, of course we say it,” banggit ni Jake.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Si Shyre ay isang nutritionist-dietician at sa nakita naming picture, bagay sila ni Jake. This early, i-congratulate natin ang mga ikakasal!

-NITZ MIRALLES