LOS ANGELES (AP) — Ngayong nagkaayos na sina Manny Pacquiao at trainer Freddie Roach, sunod na tatasahan ni eight-division world champion ang gusot sa loob ng kanyang kampo.
Kaagad na umani ng negatibong reaksyon mula kina Buboy Fernandez at conditioning coach Justin Fortune ang naging desisyon ni Pacquiao na muling kunin ang serbisyo ng hall-of-famer trainier para sa kanyang pagdepensa sa World Boxing Association (WBA) welterweight crown kontra Adrien Broner sa Enero sa Las Vegas.
“That’ll be okay,” pahayag ni Pacquiao sa panayam ng Manila Bulletin.
“I will talk to them (Fernandez and Fortune),” aniya.
Nagkausap na sina Pacquiao at Roach matapos magkita sa New York kung saan sinimulan ang two-city pres tour para sa laban.
Ang dating assistant coach na si Fernandez, matalik na kaibigan ni Pacquiao, ang naging head trainier ng lumaban at manalo ang Senador laban kayArgentine Lucas Matthysse nitong Hulyo sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Iginiit naman ni Fortune na ang pagbabalik ni Roach sa kampo ni Pacquiao ay makasasama lamang sa samahan.
“It’s going to be toxic,” sambit ni Fortune.
Iginiit naman ni Fernandez na igagalang niya ang anumang desisyon ni Pacquiao.
Sinabi naman ni Roach na may kontrata nang inihanda si Pacquiao para s akanilang muling pagtatambal.
“There’s been a contract each fight. It’s always been that way.
Nothing different. I told my lawyer (Nick Khan) what to put in the contract and what Manny told me. They have the contract and everyone’s happy. No problem,” sambit ni Roach.
-Nick Guingco