Sa huling pagbira ni Pangulong Duterte tungkol sa umano’y kurapsiyon sa Simbahang Katoliko, inakusahan niya ang isang obispo ng umano’y pagnanakaw sa mga donasyon sa simbahan upang maibigay sa pamilya nito.

President Rodrigo Roa Duterte (TOTO LOZANO/PRESIDENTIAL PHOTO)

President Rodrigo Roa Duterte (TOTO LOZANO/PRESIDENTIAL PHOTO)

Sa kanyang pagbisita sa Cavite, kinilala ni Duterte ang isang “Bishop David”, na nanghihingi umano ng mga kontribusyon sa mga nagsisimba, pero ibinubulsa lang umano ang nakolekta.

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

“Ikaw, David, tumahimik ka, ha. Sige ka lang hingi ng contribution diyan sa mga… Saan ang pera ng mga tao? Ang g*** sige lang hingi, may second collection pa,” sinabi ni Duterte nang dumalo siya sa inagurasyon ng Cavite Gateway Terminal sa Tanza, Cavite nitong Huwebes.

“Alam mo totoo lang, sabihin ko sa inyo, iyong mga offerings, iyong mga pinya, mga avocado, saging, saan napupunta ‘yan? Gusto ninyong malaman? Gusto ninyo ng video? Ibigay ko sa inyo. Doon sa pamilya niya,” dagdag ng Pangulo.

Aniya, dapat nang mahinto ang pang-uumit sa donasyong nakokolekta para sa simbahan. Sa halip, aniya, dapat na mag-asawa na lang ang mga paring Katoliko upang magdusa ang mga ito, tulad niya.

“Dapat makapag-asawa na kayo at humabol kayo sa akin. Nakadalawang asawa ako pati apat na girlfriend. That's why I am suffering now,” aniya.

Iginiit ni Duterte na “rotten” ang Vatican, dahil na rin sa “sins” ng ilang pari. Ayon sa Pangulo, ilang pari ang corrupt, habang ang iba naman ay may mga anak pa.

“I’m ready to debate with you in public. You know guys, do not overdo things because not all is right within the Catholic Church. You read the—it’s a bestseller—‘Popes’ with a plural. Makita mo doon,” anang Pangulo.

“Iyong si Pope na nag-retire lang. Well, I’ll tell you now kung bakit siya nag-retire nang maaga. Should I talk about it in public? And the sins of the Bishops here,” dagdag pa niya.

Muli ring binigyang-diin ni Duterte na nainiwala siya sa Diyos, bagamat iba ang kinikilala niyang diyos sa diyos ng kanyang mga kritiko.

“It is not true that I do not believe in God. Huwag kayong maniwala. That is heresy,” aniya, sinabing nag-aral siya sa Catholic school.

“Sinabi ko sa mga ugok na obispo na ‘yan, your God does not have common sense. My God has a lot of it. Kasi magkaiba ang perception natin sa Diyos ninyo pati ‘yung Diyos ko,” sabi ni Duterte.

-GENALYN D. KABILING