DUMAGUETE CITY -- Tinanghal na kampeon sa women’ duel ang tambalan nina Alexa Polidario and Erjane Magdato ng UNO-R nang gapiin ang karibal na sina Tin Laing ng Hong Kong, 21-15, 21-18, nitong Martes sa Beach Volleyball Republic On Tour sa Rizal Boulevard sand court dito.
Sa harap nang nagbubunying partisan crowd, nagawang matengga nina Polidario at Magdato ang karibal tungo sa pahirapang straight set win.
Nasungkit nila ang unang BVR title mula ng magwagi sa Santa Fe, Bantayan Island leg noong Marsa.
“We were blessed po kasi first time na nakakalaban kami ng international players. Nagpapasalamat kami kasi ginawa ng partner ko ang lahat, especially sa communication,” sambit ni Polidario, nakakuha ng dagdag na lakas para makabawi mula sa kabiguang natamo kina Miyagawa at Lai, 15-21, 18-21,sa pool play.
Nagresulta naman ng maganda ang pagbabalik aksiyon nina dating UAAP champions KR Guzman at Krung Arbasto para makopo ang men’s gold medal sa 21-18, 21-14 decision kontra Mitabashi Masato at Takashi
“Masaya po. Thank you po sa lahat ng nanood,” pahayag ni Polidario.
Ibinida naman ni Soriano na magbabali siya sa Dumaguete leg sa susunod na taon.
Sa semifinals, nagwagi sina Polidario at Magdato sa University of Santo Tomas’ Babylove Barbon at Genesa Eslapor, 21-18, 15-21, 15-12, habang namayani sina Miyagawa at Lai sa tambalan nina Perlas’ Charo Soriano at Bea Tan, 21-13, 21-19.
Nakabawi naman sina Barbon at Eslapor kontra Soriano at Tan, 21-15, 21-15, para sa ikatlong puwesto.
Sa men’s semis, nanaig sina Guzman at Arbasto kontra Air Force’s Jessie Lopez at Ranran Abdilla, 16-21, 21-15, 15-9, habang nakalusot sina Masato at Tsuchiya kontra Efraim Dimaculangan at Rancel Varga ng UST, 21-18, 21-16.
Nakamit ng PAF ang ikatlong pueto laban sa UST, 14-21, 21-15, 15-11.