MALUGOD na tinanggap ng lokal na pamahalaan ng Pagudpud ang pagpapaunlad sa coffee farming sa hilagang bahagi ng probinsiya, na layuning lumikha ng mas maraming kabuhayan para sa mga magsasaka.

Sa pamamagitan ng mungkahing pagtutulungan ng pampubliko at pribadong sektor, nais ng Ilocos Norte, sa pamamagitan ng Environment and natural Resources Office (ENRO) at Philippine coffee development company, na bigyan ng bagong buhay ang pagtatanim ng kape sa mabababa at bulubunduking bahagi ng Pagudpud.

Gamit ang magandang klima at uri ng lupa, sinimulan ng ENRO ang pagtatanim ng mga binhi ng kape sa mga nakalipas na taon bilang suporta sa National Greening Program (NGP) ng Department of Environment and Natural Resources.

Ayon kay Mayor Ferdinand T. Sales, nakipag-ugnayan na sila sa ilang kooperatiba ng mga magsasaka para sa pagtatanim ng kape sa barangay ng Saguigui at inaasahang mamumunga na ang unang batch ng mga kape sa mga panahong ito.

Night Owl

Kailangan mong bumoto

“We hope this project will continue to boost the economic development of Pagudpud and to uplift the way of life of our people,” ani Sales.

Una rito, pinangunahan ni Senior Board Member Matthew Marcos Manotoc ang inspeksiyon ng mga kape ilang mga taniman sa bayan ng Pagudpud na umaasang makalilikha ang probinsiya ng sarili nitong tatak ng Ilokanong kape sa hinaharap.

Sa pagbabahagi ni Manotoc, ang pagpapaunlad ng mga plantasyon ng kape ay unang bahagi pa lamang ng proyekto hanggang sa kaya na nilang iproseso at matapos ang kanilang sariling produkto, na maaaring ipadala sa mga tindahan at mga coffee shops.

Aniya, kasalukuyang isinasapinal ang memorandum of agreement (MOA), na mangangailangan ng mahabang panahon para maipatupad. “This is not an overnight process – you plant and then wait. I think the soonest we can have our home-grown coffee is after two years more,” paliwanang ni Manotoc.

PNA