Nais ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III na madagdagan ang gagastusing pondo ng mga kandidato upang maging mas transparent at makatotohanan ang mga ito sa pagdedeklara ng kanilang nagastos sa kampanya.
Ang panukalang ito ay nakatakdang ihain ni Pimentel upang isailalim sa deliberasyon para makahabol sa 2019 midterm elections sakaling maaprubahan.
“Despite the increase in the cap in the campaign expenditures, Senate Bill No. 2072 proved that the amount to be spent ‘per voter’ by candidates and political parties will have to remain conservative. This is to discourage overspending and to ensure that all those participating in the poll exercise will be competing on equal footing with other candidates,” sabi ni Pimentel.
Sa panukala nito, nais ng senador na gawing P8 ang gagastusin ng kandidatong senador na independent para sa bawat botante mula sa dating P6.
Nais ding gawing P8 ang gastos ng bawat political parties para sa kada botante mula sa dating P5.
Sampung piso naman ang maaaring gastusin sa mga kandidato para presidente at bise presidente para sa bawat botante.
-Leonel M. Abasola