Tuluyan nang nakapasok kahapon sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong ‘Samuel’, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa weather bulletin ng PAGASA, ang nasabing bagyo ay namataan sa loob ng PAR dakong 10:00 ng umaga.
Inaasahan ng PAGASA na magdadala ito ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan, na posibleng magresulta sa pagbaha at pagguho ng lupa sa bahagi ng Caraga region, Davao Oriental, at Compostella Valley.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 980 kilometro sa silangan-timog silangan ng Hinatuan sa Surigao del Sur.
Kumikilos ito sa bilis na 15 kilometers per hour (kph) at taglay ang lakas ng hanging nasa 55 kph, at bugsong 65 kph.
Inaasahang tatama ang bagyo sa nabanggit na mga lugar kung hindi magbabago ang direksiyon nito.
Posible namang lumabas ito sa bansa sa Biyernes.
-Jun Fabon