Ipinagkibit-balikat lang ng Department of Transportation (DOTr) ang banta na magsasagawa ng “truck holiday” ang ilang grupo bilang protesta sa planong pag-phase-out ng pamahalaan sa mga bulok na truck sa bansa.

Paliwanag ng DOTr, maliit lang ang magiging epekto sa port operations ng nasabing banta ng ilang trucking group.

Halos isang linggo ang ikakasa ng trucking group na “Day of Rest” bilang pagtutol sa Department Order No. 2017-09 ng DOTr na nagpapatupad sa dati nang order noong 2002 kaugnay ng mandatory 15-year age limit sa mga bus at truck-for-hire, na saklaw ng certificate of public convenience.

Nauna nang inihayag ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra III na napagkasunduan na ng ahensiya at ng mga trucker ang naturang usapin, kahit pa ang mga may-ari ng mga unit na lagpas na sa 15 taon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Maaari rin aniyang ipagpatuloy ng mga ito ang kanilang kasalukuyang prangkisa sa isasagawang transition period.

Sa inilabas na LTFRB Memorandum Circular 2018-007, ang magiging transition period para sa mga year model-based phase-out ng mga truck na sinasaklawan ng certificate of public convenience ay simula Hunyo 30, 2017 hanggang Hunyo 30, 2020.

“These units, regardless of year model, will be allowed to operate during the transition period, should they pass the roadworthiness test of the Motor Vehicle Inspection System being procured by the Land Transportation Office,” sabi ni Delgra.

-Alexandria Dennise San Juan