Opisyal nang nai-turnover sa Pilipinas ang Balangiga Bells matapos ang isinagawang military ceremony kahapon, ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Elmer G. Cato.

Si Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez ay nasa Wyoming, partikular na sa Warren Air Force Base, kasama si US Defense Secretary James Mattis para sa opisyal na turnover ceremony.

“Ambassador, these bells are now officially going to return to the Philippines,” sinabi ni Mattis kay Ambassador Romualdez sa seremonya.

Noong 1901, pinatay ng mga sundalong Amerikano ang libu-libong Pinoy, kabilang na ang mga babae at bata, sa bayan ng Balangiga sa Eastern Samar bilang ganti sa pagpatay ng mga rebelde sa 48 sundalong Amerikano sa kalagitnaan ng giyera sa pagitan ng dalawang bansa.

Eleksyon

Sen. Imee, mapagbalat-kayo raw; ‘di bet ni Panelo para kay VP Sara sa 2028

Ayon sa kasaysayan, ang isa sa mga kampana ay ginamit bilang simbolo ng sorpresang pag-atake ng mga mandirigmang Pinoy kontra sa mga sundalong Amerikano.

-Beth Camia