Ang paboritong si Eugene Toguero ay naghahanap ng ibang direksyon sa pupuntahan ng kanyang karera sa pagbabalik sa ONE Championship cage.

Eugene Toquero (Global MMA News)

Eugene Toquero (Global MMA News)

Ang dating  National Muay Thai Champion ay nakaplanong makalaban si Japanese Tatsumitsu “The Sweeper” Wada sa undercard ng ONE: WARRIOR’S DREAM na gaganapin sa Stadium Istora sa Jakarta, Indonesia sa abado, ika-17 ng Nobyembre.

Kahit natalo si Toguero sa apat na laban niya noon ay di pa rin siya nawalan ng pag-asa na magiging magandangg ang kalalabasan ng laban niya sa Jakarta.

Romualdez sa Araw ng Kalayaan: 'Di lang pag-alala kundi pagprotekta rin sa kinabukasan'

Nag-umpisa ang sunod-sunod niyang malas noong Marso 2016 nang napasuko siya ng dating ONE Flyweight World Champion Adriano “Mikinho” Moraes.

Makalipas ng siyam na buwan ay naulit muli ang nangyari sa kanya at napsuko din siya ni Danny “The King” Kingad ng Team Lakay sa unang round pa lang.

Naging mailap din ang suwerte kay Toguero nitong 2017. Nauwi sa unanimous decision ang laban niya sa Indonesian star na si Stefer “The Lion” Rahardian noong Abril. Bago pa nito ay napasuko din siya sa unang round ng Cinese na si Ma Hao Bin noong Nobyembre.

Sa kabila ng mga naranasan niya, ang 37 anyos na Pilipino ay naniniwala pa ring mananalo siya sa pamamagitan ng mas matinding pag-e-ensayo lalo na’t inaasahan niya na mahrap na kalaban si Wada.

“Losing is part of the game. It is not every day that you will be at the top. I might have lost my previous matches, but it only motivates me to learn and improve more. I was waiting for this opportunity to come. Can’t wait to showcase everyone what I’ve worked at the gym,” pagbabahagi ni Toguero.

Ang dating Deep Flyweight Champion na si Wada ay pinanghahawakan ang professional record na 19 wins at 9 losses, 2 draws at 1 no contest.

Ang 30 anyos na tiga Tokyo, Japan ay naipanalo din ang huling walo niyang laban bago niya makaharap si Reece “Lightning” McLaren na nauwi sa split decision sa promotional debut sa ONE: BATTLE FOR THE HEAVENS nitong nakaraang Hulyo.

Alam ni Toguero ang panganib na makakaharap niya sa Sabado pero naniniwala siyang maibabalik niya ang istado niya bilang isa sa magagaling na flyweights sa Asya.

“I know I have what it takes to get a convincing victory against a world-class opponent. l will make sure that my hand is raised as the winner. I’m here to prove and show everyone that I deserve my spot here in ONE Championship. I’ve been training very hard for this match, and I will end 2018 with a bang,” pagtatapos niya.