Kabilang ang pitong menor de edad at apat na buntis sa daan-daang nahawahan ng HIV sa bansa, habang 24 naman ang iniulat na nasawi sa AIDS nito lang Setyembre.

Batay sa ulat ng HIV/AIDS & ART Registry of the Philippines (HARP) ng Epidemiology Bureau ng Department of Health (DoH), nakapagtala ng kabuuang 954 na bagong HIV antibody seropositive individuals nitong Setyembre lang.

Mas mataas ng 18 kaso ang naturang bilang kumpara sa 936 na kaso ng sakit na nakumpirma ng DoH sa kaparehong buwan noong 2017.

Sa naturang bilang, pito ang menor de edad, o nasa age range na 15 anyos pababa, kabilang ang apat na nahawa sa kanilang ina.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Nasa 24 naman sa mga bagong kaso ang iniulat na nauwi na sa pagkasakit ng pasyente sa nasabi ring buwan.

Ayon sa DoH, 19 na porsiyento, o 179, ng mga bagong kasong naitala ay nasa “advanced HIV infection” o nasa clinical stage 3 o 4 ng World Health Organization (WHO) nang matuklasan.

Nasa 94% (898) naman ng mga bagong pasyente ay lalaki, habang sa mga pasyenteng babae ay apat ang buntis nang makumpirmang taglay ang virus, kabilang ang dalawang mula sa Region 7 at tig-isa sa Regions 3 at 4A.

Pinakamarami pa ring naitalang kaso ng sakit sa National Capital Region (28%, 266 na kaso), kasunod ang Region 4A (15%, 141), Region 3 (11%, 104), Region 7 (10%, 91), Region 11 (6%, 59), at Region 12 (6%, 53).

Nananatili namang sexual contact ang pangunahing dahilan ng pagkahawa ng mga pasyente, na umabot sa 98%, o 936 kaso, habang ang iba pang mode of transmission ay needle sharing sa mga nagdodroga (1%, siyam na kaso), at mother-to-child transmission (<1%, apat na kaso), habang limang kaso ang hindi natukoy kung paano nahawa.

May 83 overseas Filipino worker ang kabilang sa mga bagong pasyente.

Ayon sa DoH, dahil sa mga bagong kaso ng sakit, pumalo na sa 8,533 ang kabuuang kaso ng HIV/AIDS infection sa bansa ngayong 2018, at 459 dito ang nasawi, samantalang nasa 59,135 ang nahawahan ng HIV/AIDS sa bansa simula Enero 1984 hanggang Setyembre 2018, kasama ang 2,917 nasawi.

-MARY ANN SANTIAGO