Tatanggalin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang aabot sa 46 na bus terminal sa EDSA, sa Valenzuela City, at sa Sta. Rosa, Laguna.

Target din ng MMDA na ilipat ang mga bus na nasa Southwest Interim Provincial Terminal (SWIPT) sa Hong Kong Sun Plaza sa Pasay City.

Nilinaw ni Bong Nebrija, commander ng MMDA Special Task Force Operations Unit, na pag-aaralan pa nila ang operasyon ng SWIPT, lalo dahil bukas na ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa Coastal Road.

Umaasa rin si Nebrija na malaki ang maitutulong nito sa pagpapaluwag ng trapiko sa EDSA kapag nagtayo ng iba pang integrated terminal exchange para sa mga bus na papasok ng Metro Manila mula sa Norte, at mula sa Southern Luzon.

Romualdez, kinondena tensyon sa Middle East; seguridad ng mga Pinoy, pinatututukan

-Mary Ann Santiago