EFFECTIVE endorser si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, kaya naman kahit preggy na siya ng almost five months ay sunud-sunod pa rin ang dating ng blessings sa kanya sa pamamagitan ng endorsements. Last Thursday ay nag-renew siya ng contract sa Nailandia Studio and Body Spa, para sa ikaapat na pagkakataon.

Marian copy

“Thankful ako sa Nailandia na hindi nila ako nakakalimutan kahit buntis ako,” nakangiting pahayag ni Marian. “Kaya naman natutuwa ako na sinasabi nilang lucky charm daw nila ako dahil from 33 now ay 114 na ang branches nila at after this presscon, mag-o-open pa sila ng dalawa pang new branches. Kaya kahit ako, gusto ko na ring mag-franchise, kaya lamang ay wala pa akong makuhang magandang puwesto na malapit sa bahay namin sa Makati, pero siguro soon, may makukuha rin ako.”

Inihayag din ng may-ari ng Nailandia na may mga inquiries na sila from abroad at may kausap na sila from New Jersey, USA, Dubai, at Singapore.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Natanong na rin si Marian kung ano raw ba ang magiging second baby nila ni Dingdong Dantes?

“Malalaman n’yo rin kasi sa November 20 na ang check-up ko at magkakaroon muli kami ni Dong ng gender reveal. Sabi nila boy may nagsasabi naman girl, pero kung ano ang ibigay ni Lord, magpapasalamat kami.

“Basta ang gusto ko after nito, kahit isa pa, hahaha! Hindi pa lumalabas nagre-request na ulit kay Lord. Gusto kasi namin talaga ni Dong maraming anak, kaya basta kaya ko, sige lang!”

Kung noon kay Zia, gusto niya lahat ng chocolate o candy na white, matatamis, ngayon naman maaasim at maaalat na prutas ang gusto niya.

“Ang una kong hiningi kay Dong, kamias na isasawsaw sa asin. Mabuti na lamang iyong kapitbahay namin, may puno ng kamias kaya pumitas lamang si Dong doon. Tapos gusto ko rin ang manggang hilaw na isasawsaw sa bagoong. Basta maasim at maalat na pagkain gusto ko.

“Kay Zia, hindi ako masyadong nagkaroon ng morning sickness, up to now meron pa akong morning sickness, at kapag lumalabas kami, nakakaramdam ako ng hilo kapag matrapik. Dati maarte ako na hindi basta lumalabas ng bahay, ngayon kahit walang make-up lumalabas ako ng bahay.”

Medyo malakas din daw siyang kumain ngayon, kaya kung kay Zia, 2 lbs lamang ang nadagdag sa weight niya, ngayon 4 lbs., kailangan daw niyang i-maintain ang dating weight dahil gusto pa rin niyang normal delivery ang second baby nila.

Thankful din si Marian na naiintindihan siya ng GMA Network dahil tinanggihan niya ang teleserye na dapat niyang gagawin. Naiiba kasi ito at medyo mabigat kaya tumanggi na siyang gawin. After na lamang niyang makapanganak at puwede nang magtrabaho saka niya gagawin ang nasabing teleserye.

“Labis po ang pasasalamat ko dahil magiging dalawa na ang baby namin ni Dong. Lahat po ng hiningi ko kay Lord, ibinigay Niya.”

-Nora V. Calderon