Ilang buwan pa lamang ang nakakalipas nang bigyang karangalan ni Marigielyn Didal ang Pilipinas sa pagkopo ng gintong medalya sa nakaraang 2018 Asian games sa Indonesia, heto at mu na naman niyang binigyan ng dahilan ang mga Filipino na maging taas-noo kahit kanino

Muling itinayo ni ng 19-anyos na si Didal ang bandera ng Pilipinas sa skateborading competition, matapos itong manguna sa PRO street 2018 Exposure All Women skateboarding cahmpionships na ginanap sa San Diego California kamakalawa.

Ayon sa presidente ng Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines (SRSAP) na si Monty Mendigoria, isang magandang balita umno ng gumising sa kanya sa pagkakapanalong ito ni Didal sa nasabing kompetisyon.

“I was just browsing then suddenly nakita ko sa instagram niya na nanalo siya. Sobrang saya for Margie, kasi it seems that everything is falling into places for her. She deserves everything that she has right now,” ayon kay Mendigoria.

Pambansang Kamao Manny Pacquiao, nag-senti? Ilang netizens, todo-comfort!

Bukod kay Didal, na nasa top place ng Exposure event, napasama din sa top five ang isa pang national athlete ng skatebording na si Christiana Means na lumahok din sa nasabing patimpalak.

“Kaya nakakatuwa kasi talagang nakikilala na ang Pilipias sa buong mundo sa skateboarding. Masyadong mabilis ang mga pangyayari para sa skateboarding,” pahayag pa ni Mendigoria.

Isiniwalat din ng Skateboarding prexy na opisyal nang kasama ang nasabing sports sa 2019 Southeast Asian Games (SEA Games) kung saan magiging host ang Pilipinas sa Olympics.

Walong events ng isinama ng nasabing national sports association (NSA) para sa biennial meet kabilang na ang stree event, park, downhill at games of skate na magkakaroon ng male at female category.

Bukod dito, kinilala na ng World Federation ng skateboarding ang SRSAP kung kaya poibleng plitan na rin ang knilng pngln sa World Skate Pilipinas sa susunod na taon.

-Annie Abad