SIGURO naman titigilan na sina Neil Arce at Angel Locsin sa isyung break na sila, matapos i-post ni Neil sa Instagram ang picture nila habang magkasama sa Amerika.

Angel at Bela

Walang paliguy-ligoy ang caption ni Ne i l : “He y world...look how be aut i ful my girlfriend is:) and guess what she’s also an Angel!”

S a g o t n i Angel: “Proud t o b e y o u r s #nakakaumaynacheesy.”

'Di kilala unang babaeng PH president?' Gurong contestant sa Showtime, trending sa X

Simple lang ang sagot ng aktres pero sapat na ‘yun para kiligin ang shippers ng dalawa, lalo na ang fans ni Angel na gusto lang ay lagi siyang masaya.

Ilang beses na kasing nabalitang break sina Neil at Angel dahil lang sa hindi sila nagpo-post ng pictures nila sa social media.

Lalo pang umugong ang tsikang hiwalay na ang dalawa nang umapir si Angel sa ABS-CBN Ball na mag-isa at walang escort. It turned out, nasa baba lang ng hotel si Neil. Hindi na ito sumama sa ballroom dahil walang plus one ang invitation sa Kapamilya stars. Sumunod si Angel sa nakalagay sa invitation, at hindi gumaya sa iba na nagpilit magsama.

Kilig na kilig kay Neil ang fans at may nagpayo pang magpakasal na sila ni Angel.

Gayunman, m a y i s y u ang ibang supporters ni Angel kay Neil. Bakit daw hindi pa binubura ni Ne i l s a k a n y a n g I G feed ang photos ng ex niyang si Bela Padilla?

Tiyak na may paliwanag si Neil dito, pero hindi natin malalaman dahil hindi naman magsasalita ang BF ni Angel.

-NITZ MIRALLES