Hindi nagbabayad ng ransom ang pamahalaan sa mga hostage ng mga kidnapper sa Mindanao.

Ito ang binigyang-diin kahapon ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza, kasunod ng ulat na pagpapalaya sa kidnap victim na si Jose Duterte sa Sulu makalipas ang mahigit isang taon.

Hindi umano kamag-anak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing biktima.

“Finally, he was released at a time when I even stopped touching base with some intermediaries when I was informed that they were demanding ransom payments. Government usually spends to support operational expenses to recover hostages but does not pay ransom,” pahayag nito.

Nasawi sa Air India nasa 270 na; pagkilala sa bangkay ng mga biktima, nagpapatuloy!

Hindi rin nakikialam, aniya, ang gobyerno sa desisyon ng mga kamag-anak ng mga biktima na magbayad ng ransom upang mailigtas sa kanilang mga mahal sa buhay.

Malaki rin umano ang naitulong ng patuloy na operasyon ng militar upang mapalaya agad ang mga bihag.

Matatandaang dinukot si Duterte ng grupo ng mga armadong lalaki, kasama ang asawa nitong si Jessica, sa kanilang bahay sa Siocon, Zamboanga del Norte noong Marso 3, 2017.

Una nang pinakawalan ang misis niya nitong unang bahagi ng taon.

-Francis T. Wakefield