FORTY years na sa showbiz ang tinaguriang Jukebox Queen na si Imelda Papin. Kalaunan, pinasok na rin ni Imelda ang pulitika, at sa 2019 elections ay kakandidato siyang uli para vice governor ng Camarines Sur.

Rico J. at Imelda

Pero bago ito, busy muna siya sa pagpo-promote bilang product endorser ng Forever ImuRegen for Immunity Regeneration, na ayon kay ImuRegen President-COO Dr. Susan Barlin ay nakakagamot sa lahat ng sakit at nakapagpapahaba ng buhay.

Sa prescon ay natanong ni Yours Truly si Imelda kung bakit kamakailan lang natapos ang concert nila ni Rico J. Puno, pero hindi niya naisip na irekomenda sa Total Entertainer ang gamot na ineendorso niya. Sana ay buhay pa rin ngayon ang OPM legend, na pumanaw nitong Oktubre 30.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Dahil dito, umugong ang bulungan ng mga nasa presscon that almost broke the house down.

“Actually, when I had my 40 years anniversary concert sa Solaire, Ms. Susan Barlin was there, she texted me and said ‘Rico doesn’t look good that night, so can you introduce to him our ImuRegen’. Na sabi ko naman, ‘yeah, sure’.

“But for some reasons, umalis kami kaagad and I didn’t have the chance to talk to Rico.

“The next time I saw him was when we had our show at Resorts World tapos, ‘yun na nga, nakita ko hinang-hina siya (Rico J.). Kasi nalagyan pala siya sa heart niya ng pacemaker. He was so very weak and that very night, I actually gave him ImuRegen, pero hindi na niya tineyk ‘yon, eh.

“Galing lang siya sa hospital that time, so gusto ko sanang bigyan siya ng liquid, kasi ‘yun ang pinaka-high potent. Pero I didn’t have the chance. I din’t really have the chance to really insisted to him.

“Siguro may pagkukulang din ako because I’m so busy and I am always in the province, umuuwi lang ako dito pag may show lang ako. Kaya I really feel sorry na sana na-try man lang ni Rico na inumin… baka siguro humaba pa ang buhay niya.”

Natanong din namin kung kabilang si Imelda sa magbibigay ng tribute kay Rico J. sa last night ng wake nito this coming November 7?“I was already told to get in touch with our colleagues and you know, asked them to join us sa last night ni Rico J. Supposedly nasa Bicol ako at that time, pero last night na nga ni Rico ‘yon.

“Alam n’yo naman si Rico, kaming dalawa talaga ang partners. Kami ang unang-unang nabigyan ng Jukebox King and Queen na title dito sa showbiz natin, so ako ang ini-approach to invite our colleagues na magsama-sama for the last wake of Rico J., kasi siyempre ‘yong pinagsamahan namin hindi mawawala yon.”

-MERCY LEJARDE