NAGBALIK ang reyna ng beach volleyball at siniguro ni Charo Soriano na magiiwan ng marka sa Beach Volleyball Republic On Tour.

MULING nagtagumpay si Charo Soriano (kaliwa), sa pagkakataong ito sa pakikipagtambalan kay Bea Tan sa katatapos na Beach Volleyball Republic El Nido championship. (BVR PHOTO)

MULING nagtagumpay si Charo Soriano (kaliwa), sa pagkakataong ito sa pakikipagtambalan kay Bea Tan sa katatapos na Beach Volleyball Republic El Nido championship. (BVR PHOTO)

Kasangga ang matibay ding si Bea Tan, nakopo ng kanilang tambalan ang women's crown, habang nagwagi sina KR Guzman at Ian Yee sa men's division kamakailan sa Lio Beach sa El Nido, Palawan.

Kinatawan ang Seda Hotels, ginapi nina Soriano at Tan ang tambalan nina Dzi Gervacio at Roma Doromal ng Perlas, 21-16, 21-19, sa championship match at makumpleto ang 6-0 winning run sa two-day spikefest.

Lacson, tila nagpatutsada sa ilang nag-file ng COC: 'The following are not disqualified...'

Nanaig naman ang University of Santo Tomas alums na sina Guzman at Yee kontra kina DAF-ARMM Hach Gilbuena at Edmar Flores, 21- 15, 21-17 para makopo ang korona.

Ito ang unang titulo ni Soriano sa liga na huling naglaro noong Hunyo sa Sta. Ana Open.

Winalis nila ang apat na laro sa pool match tungo sa sumunod na stage ng laro.

Naging doble naman ang selebrasyon kay Guzman matapos makasapasa ang dating UAAP champion sa electronics engineer licensure examinations nitong Biyernes.

Nakamit ni Guzman ang unang BVR title mula nang magwagi ng

back-to-back kasama si Krung Arbasto sa Cabugao, Ilocos Sur at Dagupan leg.

Sa semifinals, ginapi nina Soriano at Tan sina Lio Crusaders' Sydney Eleazar at Paulina Ong, 21-10, 21-7, habang nakamit nina Gervacio at Doromal sina Balai Adlao's Gizelle Tan at Ria Lo, 21-10, 21-5.

Tinanggap ng women's at men's champions ang tig-P50,000 cash prize.