PARA sa layuning maisulong ang kultura at tradisyon ng mga katutubong Pilipino, binuksan kamakailan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), sa pakikipagtulungan ng Philippine Information Agency (PIA) regional office ng Bicol, ang isang photo exhibit ng mga indigenous peoples (IPs) at mga pangkat-etniko sa Luzon.

Sa mensahe ni Rosalita Manlangit, focal person, PIA-NCCA Luzon cultural promotions, sinabi niya na ang aktibidad na isinagawa sa Ayala Mall nitong Lunes ay naglalayong mahikayat ang patuloy at balanseng pag-unlad ng mga IP’s, at isang paraan din upang pamanatili at maisulong ang lokal na tradisyon ng bansa.

“We have to ensure the widest dissemination of the culture and heritage, use of the artistic and cultural products and preserve the heritage and traditional culture and various creative expressions as a dynamic part of national culture,” aniya.

Idinagdag din ni Manlangit na makatutulong ang photo exhibit na maisulog ang kultura, sining at tradisyon ng mga komunidad ng IPs sa Luzon.

“The public will have an opportunity to appreciate the culture, beliefs, festivals and attitudes of our Indigenous People and connect them to the regency of Luzon,” saad niya.

Sa isang panayam, sinabi naman ni OIC regional director of PIA-Bicol Benilda Recibido na itinatampok ng photo exhibit ang kahalagahan ng katutubong kultura at pagsusulong ng mas malalim na pagtingin at pagpapahalaga sa cultural heritage habang pinalalakas ang mga komunidad.

“The photo exhibit launching is a simultaneous event conducted in the seven regions of Luzon (Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol and Cordillera Administrative Region) as part of the Indigenous People’s Month celebration,” pagbabahagi niya.

Samantala, pinasalamatan ni Chief Administrator of the National Commission on Indigenous Peoples (NCIP)-Bicol, Rolando Cea ang PIA at NCCA para sa paglulunsad ng photo exhibit.

“We encourage everyone to continue to promote our IP community and give the attention that they deserve,” pahayag niya Cea.

Bukas at libre sa publiko ang photo exhibit na matatagpuan sa 3rd floor ng Ayala Mall-Legazpi at tatagal hanggang Nobyembe 3, 2018.

PNA