BILIB din kami kay Rhian Ramos dahil hindi niya dinisable ang comment box ng kanyang Instagram, kahit pa sobra siyang bina-bash ng fans nina JM de Guzman at Barbie Imperial, sa pag-aakalang in-love siya kay JM at hinahabol niya ang aktor.

Rhian copy

Nagkasama kasi sa pelikulang Kung Paano Siya Nawala sina Rhian at JM, at simula noon hanggang ngayon na ipalalabas na ang pelikula, na produced ng TBA Studios, ay patuloy ang pamba-bash kay Rhian.

Nag-post lang ng picture niya si Rhian na may caption na “Mag-sorry ka”, ay kaagad na inisip ng fans nina JM at Barbie na para sa aktor ang caption. Dahil dun ay sunud-sunod na ang negative comments at pang-aaway kay Rhian ng fans ng dalawa.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Siguradong nabasa ni Rhian ang comments na: “Sorry ‘di ikaw ang pangarap niya”; “Bakit siya magsabi ng sorry, ‘di naman kayo?”; “Maglaway ka muna @whianwamos...tahol ka nang tahol...hahaha.”

Ang hindi lang maganda, nagbabatuhan ng old issues ang fans nina Rhian at JM, mga isyu na kahit ang dalawa ay kinalimutan na.

Paano kaya ‘pag nag-promote na ng movie sina Rhian at JM, na siyempre pa ay lagi silang magkasama? Tiyak na sasabog sa selos ang fans nina JM at Barbie nito.

Anyway, after ng showing ng Kung Paano Siya Nawala, lilipad na pa-New York si Rhian para mag-aral ng acting. Six months doon ang aktres, pero dahil alam niyang maho-homesick siya, dadalaw siya sa pamilya niya rito after three months.

-Nitz Miralles