Arestado ang dating miyembro ng Philippine Army at dalawang iba pa sa buy-bust operation sa isang mall sa Parañaque City, iniulat kahapon.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar, matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng Regional Special Operation Unit (RSOU) at Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) ang mga suspek na sina John Wyn Arnaiz, alyas Bosing, dating sundalo; Joseph Cabatbat; at Valentin Arnaiz, pawang nasa hustong gulang.

Isinagawa ang operasyon sa parking area ng isang mall at isang pulis ang nagpanggap na bibili ng shabu kay Arnaiz.

Nang iabot ni Arnaiz ang droga ay agad na siyang dinamba ng mga pulis, gayundin ang dalawa niyang kasama.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nakuha sa mga suspek ang 200 gramo ng umano’y shabu, na tinatayang aabot sa P1.3 milyon; isang .35 caliber; pitong bala at bundles ng boodle money.

Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

-FER TABOY at BELLA GAMOTEA