HINIMATAY si Miss Paraguay Maria Clara Sosa Perdomo makaraang tawagin ang kanyang pangalan bilang bagong Miss Grand International 2018, sa pageant sa Myanmar, nitong Huwebes ng gabi.

Miss Grand International 2018

Nahilo ang 24-anyos na beauty queen bago nawalan ng malay matapos na tawagin ni Xian Lim, ang host ng two-hour pageant, ang kanyang pangalan bilang bagong nagmamay-ari ng korona. Naka-live stream sa social media ang nasabing event.

Ilang staff members ng patimpalak ang kaagad na sumugod sa stage para tulungan si Maria Clara, na makalipas ang ilang sandali ay naka-recover din, habang pinapalibutan ng mga kapwa niya kandidata, na nagsibati sa kanyang pagkapanalo.

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

Tatlong taong nag-aral ng abogasya, si Maria Clara ay isang professional chef sa IGI (Institute Gastronomic International) at isang television host. Libangan niya ang pag-e-exercise, pagluluto at panonood ng mga pelikula. Pangarap niyang magkaroon ng sariling restaurant, at maging unang babae sa Paraguay na nagwagi ng Michelin star (maximum award for restaurants).

“I am a very hardworking and independent person. I love animals, children and my family. I´m not going to night parties or discos, I don´t smoke or drink alcohol (only a glass of wine sometimes). I love cooking and I balance my life as a chef doing daily exercises. A word that describes me: persevering,” pahayag ni Maria Clara.

Samantala, bigo namang makapasok sa Top 21 semi-finalists ang pambato ng Pilipinas na si Eva Patalinjiug. Una nang nabalita si Eva makaraang madulas habang rumarampa sa entablado, bagamat kaagad din naman niyang nabawi ang kanyang composture.

Wagi namang first runner-up si Meenakshi Chaudhary ng India, si Miss Indonesia Nadia Purwoko ang 2nd runner-up, 3rd runner-up si Nicole Marie Rivera ng Puerto Rico, habang si Haruka Oda ng Japan ang 4th runner-up.

Kabilang naman sa Top 21 ang mga kandidata mula sa Spain, Mexico, Dominican Republic, Vietnam, Venezuela, Australia, Brazil, Costa Rica, Cuba, Kazakhstan, New Zealand, Russia, Sri Lanka, Sweden at Thailand. Nasa 80 kandidata ang mula sa iba’t ibang bansa ang nagpatalbungan ngayong taon para sa Miss Grand International.

-ROBERT R. REQUINTINA