KASALUKUYANG nagpapahinga si Kris Aquino habang sinusulat namin ito kahapon ng tanghali, dahil hatinggabi na sila nakauwi mula sa ilang araw na bakasyon sa Hong Kong kasama ang dalawang anak na sina Joshua at Bimb, at ang KCA staff.

Kris copy

Nag-post si Kris ng video ng mga litrato ng dalawa niyang anak kasama sina Vice Ganda (with Bimb), at Willie Revillame (kasama si Joshua).

“Almost home. I was told I was tagged many times today on purpose, I’ve stayed away from political discourse because if I cannot help bring a better understanding of a given situation, and if I’ll only add noise, BEST FOR ME TO STAY QUIET.

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

“I’m respectful of a person’s right to choose who they’ll stand with because I was brought up to uphold democracy. I saw the pics & personally didn’t feel it was early campaigning. Di niya kailangan magsalita ako kasi millions ang followers & defenders n’ya, ‘di ko lang trip na intrigahin pa kami; life’s too short para ma-stress.

“BIMB wholeheartedly loves his Tito Vice @praybeytbenjamin, Kuya Josh is a Tito Willie (Revillame) loyalist—I’m being #real, we have FREEDOM of choice in our home. ‘Pag minahal ng mga anak ko, mahal ko rin. Good night. #simpletruth.”

Nag-message naman si Vice at pinatutulog na niya ang BFF: “Sleep na. Rest ka na. Hayaan mo na sila!!! Keri ko na ‘to! Hayabayabayu!!!”

Naaliw naman kami sa sagot ni Kris kay Vice

“@praybeytbenjamin we miss you. Super rich ka na—buy Bimb Gucci. Size 10 na his sneakers. (Si Bimb pang-forever, ‘yung ibang bibigyan mo ng shoes temporary.)”

Hindi man parating nagkikita’t nagkakausap sina Kris at Vice ay hindi nagbabago ang maganda nilang pagkakaibigan at samahan.

-REGGEE BONOAN