Laro sa Miyerkules
(Ynares Center Pasig)
3:00 n.h. -- St.Clare vs OLFU (J)
5:00 n.h. -- St.Clare vs Enderun (S)
MAGTUTUOS ang defending champion St.Clare College at Enderun Colleges sa finals ng National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) Season 18 basketball tournament sa Ynares Center sa Pasig.
Winalis ng St.Clare ang New Era University, 78-62, habang itinumba ng Enderun ang last year’s finalist De Ocampo Memorial College, 92-86, upang itakda ang kanilang inaabangang best-of-three showdown.
Ang Game 1 ng serye ay gaganapin bukas simula ng 5 p.m.
Sa junior division, maghaharap muli ang defending champion Our Lady of Fatima at St. Clare sa rematch ng kanilang last year’s final.
Nagpasiklab si Rojay Santos para umiskor ng 21 puntos -- lahat mula sa three-point territory -- at tatlong iba pang players ang gumawa ng higit 10 puntos para sa Saints, na magtatangka sa kanilang ikatlong sunod na titulo.
Si Junjie Hallare ay nag-ambag ng 15 puntos sa 6-of-8 shooting at si Mohamed Pare ay nag-dagdag ng 13 puntos at game-high 20 rebounds para sa Saints, na umabante na sa NAASCU finals bawat taon mula 2012.
Nasungkit ng Caloocan-based team nina NAASCU founding president Dr. Ernesto Jay Adalem at coach Jino Manansala ang unang titulo matapos talunin ang Centro Escolar University nung 2012.
Matapos nito, tatlong sunod na naging runner-up ang St Clare sa CEU mula 2013-15 bago muling nanalo ng kampeonato laban sa Fatima nung 2016 at De Ocampo sa nakalipas na season.
Si Jeff Comia ang nanguna para sa Hunters ni coach Adonis Tierra sa kanyang 22 puntos sa kabila ng kabiguan na maka-iskor sa huling pitong minuto ng sagupaan.
Bagong mukha ang makakasagupa ng St. Clare sa kampeonato.
Sumandal ang Enderun sa mahusay na laro ni Brando Chauca, na muntik maka triple-double upang tuluyang patalsikin ang De Ocampo
Si Chauca ay tumapos ng 29 puntos, 10 rebounds at pitong assists para sa Titans ni coach Pipo Noundo.
Iskor:
(Unang laro)
St. Clare College (78)--Santos 21, Hallare 15, Pare 13, Peñaredondo 10, Palencia 9, De Leon 4, Fontanilla 3, Rubio 3, Catura 0.
New Era (62)-- Comia 22, Bringas 17, Akindele 8, Dela Cruz 4, Reyes 4, Castillo 3, De Guzman 2, Dayrit 2, Marticio 0.
Quarterscores: 17-7, 44-23, 61-44, 78-62
(Ikalawang Laro)
Enderun (92)-- Chauca 29, Nuñez 12, Mariano 12, Dela Cruz 12, Maagdenberg 9, Dungan 6, Gatdula 5, Oebanda 3, Tancioco 3, Sacundo 1.
DOMC (86)--Sabasaje 20, Lescano 14, Dela Cruz 10, Pascual 7, Manalang 6, Atabay M. 6, Schwartz 6, Gallardo 4, Montojo 4, Artesano 4, Atabay R. 3, Cañeles 2.
Quarterscores: 26-24, 46-42, 71-62, 92-86.