May 31, 2026

Home BALITA

Apo ni Gregoria de Jesus, itinangging bahay ng ninuno ang ginibang ancestral house

Apo ni Gregoria de Jesus, itinangging bahay ng ninuno ang ginibang ancestral house
Photo Courtesy: NHCP via Maria Santos-Viola (FB)

Sinita ng apo ni Gregoria “Oryang” de Jesus na si Maria Santos-Viola ang maling ulat ng GMA News kaugnay sa giniba umanong ancestral house ng kaniyang lola.

Si Maria ang kasalukuyang pangulo ng Bahay Nakpil-Bautista Foundation Inc.

Sa latest Facebook post ni Maria nitong Linggo, Mayo 31, sinabi niyang hindi umano pagmamay-ari ni Oryang ang binanggit na ancestral house na matatagpuan sa Bilibid Viejo sa Maynila. 

Giniba umano ito nang walang kaukulang permiso o pahintulot sa mga awtoridad na labag sa National Heritage Act of 2009 o Republic Act 10066.

“The cited house IS NOT/WAS NOT THE HOUSE OF GREGORIA DE JESUS, Lakambini ng Katipunan.  Hindi po pagaari at hindi rin po naging tahanan ni Gregoria de Jesus,” saad ni Maria.

NCRPO, pinaghahandaan na seguridad ng Senado para sa impeachment trial ni VP Sara

Dagdag pa niya, “Ang tanging tahanan po ng Lakambini ay sa Kalye 432 A. Bautista, Quiapo, Maynila. And this has not been demolished.”

Sa huli, nagpaalala ang pangulo ng Bahay Nakpil-Bautista Foundation Inc. na husayan ang pananaliksik at huwag baguhin ang kasaysayan.

Sa kasalukuyan, burado na ang ulat ng GMA News kaugnay sa umano’y ancestral house ng Lakambini ng Katipunan.

Matatandaang si Oryang ang ikalawang asawa ni Andres Bonifacio na siyang tumayong lider ng Katipunan. Kalunan, matapos paslanngin ang mister, ikinasal siyang muli kay Julio Nakpil na dating kalihim ni Andres hanggang sa magkaroon sila ng walong supling.