“MAHAL ko kayong lahat” ang caption ni Alden Richards sa larawang ipinost niya sa kanyang IG account kasama ang cast ng seryengVictor Magtanggol na pinagbibidahan niya. Pamilya na ang turing ni Alden sa mga kasama sa action/fantasy series ng GMA-7 kaya masaya ang aktor na magkakasama sila hindi lang during taping.

Alden copy

Gaya na lamang nitong Sabado, pagkatapos ng Kapuso Mall show nila nina John Estrada, Pancho Magno, Yuan Francisco at Andrea Torres sa Enchanted Kingdom, ay dumiretso sila sa bahay nina Alden sa Nuvali, Sta. Rosa para kumain ng hapunan.

Sumunod doon ang iba pang kasama sa Victor Magtanggol gaya nina Coney Reyes, Janine Gutierrez, Kristoffer Martin, Sheena Halili at Chynna Ortaleza, na kasama pa ang husband niyang si Kean Cipriano at anak na si Stellar. Present din si director Dominic Zapata, Gigi Santiago-Lara na manager ni Alden sa GMA Artist Center at iba pang bossing ng Victor Magtanggol.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Nang i-post ni Ms. Gigi ang photo nila na kuha sa bahay ni Alden, nag-comment ang aktor ng, “More times like this Ms. G!,” kaya tiyak na may mga susunod pang papiging si Alden.

Ibig bang sabihin nito, hindi totoo ang tsikang hindi magre-renew ng contract sa GMAAC si Alden? Kahapon daw nag-expire ang contract ni Alden sa GMAAC at sabi ng fans ni Alden na kontra sa GMAAC at GMA Network, hindi raw magre-renew ng kontrata niya sa GMAAC si Alden.

Pero may tinanong kami tungkol sa isyung ito at maiksi ang sagot nitong, “not true.”

Anyway, mas magiging exciting na ang fight scenes sa Victor Magtanggol sa pagpasok ng action director na si Vincent Soberano. Abangan sa mga aksyon sa susunod na mga episode ng action/fantasy series.

-Nitz Miralles