SA interview kamakailan kay Marlo Mortel ay nagpahayag siya ng kasiyahan para kay Jerome Ponce, na nanalong Best Actor sa nakaraang 32nd Star Awards for TV para sa teleseryeng The Good Son.

Marlo

“Masaya po ako kasi kasama ko siya sa Be Careful with My Heart, nakakatuwa mga bata pa kami nun,” napangiting sabi ni Marlo.

Walong taon na nga sa industriya si Marlo—na magkakaroon ng ImMORTELized concert sa Oktubre 26, sa Music Museum, sa ganap na 8:00 pm—at sinabi niya na marami na siyang natutuhan all these years.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Huwag mag-give-up po sa dreams mo. Kasi ako maraming beses na akong na-turn down; biro n’yo nag-audition ako sa StarStruck, natanggal ako. Hindi ako umabot sa live. Kasama ko noon sina Alden (Richards). Top 60 siya, top 30 ako, kaya po ako kinuha ni Kuya Germs (Moreno) after that. Then umalis ako ng GMA to try my luck sa X-Factor, natanggal din ako, so lahat ng ni-risk ko nun napunta sa wala.

“Hindi ako nag-stop kasi alam ko namang may talent akong ise-share. So nagkaroon ng mga show, sinuwerte ako sa Be Careful, naging host ng Umagang Kay Ganda. Actually lahat pinuntahan ko na, pero ang importante ay pinili ko na ang music na first reason ko kung bakit ako nag-enter ng showbiz.”

Si Janella Salvador ang love interest ni Marlo sa Be Careful, kaya tinanong namin ang aktor kung okay ba na ibalik ang love team nilang MarNella, dahil may gusot ngayon si Janella sa boyfriend at ka-love team nitong si Elmo Magalona.

“Actually, hindi ko po alam, marami nga nagtatanong niyan sa akin. Sa ABS naman po ang desisyon, pero ako hindi ko naman po sinasara ang doors ko,” sagot ni Marlo.

-Reggee Bonoan