MAY concert sina Carlo Aquino at Matteo Guidicelli sa Music Museum sa November billed Matteo X Carlo at may isyu agad ang fans ng dalawa. Bakit daw sa billing ay mas nauna ang pangalan ni Matteo kay Carlo, eh, bigger star naman daw si Carlo kay Matteo?
Ang producer ng concert ang makakasagot sa tanong ng fans at sina Mateo at Carlo na rin.
Heto ang imbitasyon ni Matteo sa concert nila ni Carlo: “MATTEO X CARLO- I’d like to invite all my friends to our concert at the Music Museum on November 17, 2018. #concert #backatit.”
May mga nagtanong kay Matteo kung magiging guest ba sa concert nila sina Sarah Geronimo, na girlfriend ni Matteo at Angelica Panganiban, na favorite leading lady ni Carlo.
Hindi pa sinasagot ni Matteo ang tanong.
-Nitz Miralles