SA panayam ng Push kay McCoy de Leon, itinanggi ng Hashtag member ng It’s Showtime na tuluyan nang nabuwag ang love team nila ni Elisse Joson, ang McLisse, kahit pa inamin niyang matagal na silang walang komunikasyon ng dalaga sa ngayon.

Mccoy copy

“Actually, hindi naman po binuwag. Meron pa po kaming movie na ipapalabas po. Hindi ko lang alam kung kailan ‘yung playdate,” paliwanag niya.

Kinumpirma niyang nagkaroon sila ng falling out ni Elisse.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Nag-umpisa po ‘yun nung Wansapanataym niya. Parang dun nag-start lahat. ‘Di ko na po alam kung ano talaga ‘yung naging rason ng lahat.”

Inamin ni McCoy na nalungkot siya sa nangyari sa love team nila ni Elisse, pero naka-move on na rin naman daw siya kahit paaano.

“To be honest, dati malungkot ako, pero ngayon nakikita ko naman na parehas naman kaming masaya, sa lahat ng nangyayari. Sa pamilya namin, sa trabaho po namin, ‘yun ‘yung importante,” pag-amin ng binata.

Bihira na rin daw silang mag-usap ngayon ni Elisse.

“Hindi na po kami nagkakausap, eh. Ang huli po naming nag-usap sa ABS-CBN Ball pa po. Tapos ‘yun, hindi na po nasundan.

“Sabi ko nga po sa interview dati bago nung (ABS-CBN) Ball, ‘yun nga, gusto ko sanang kausapin para maging maayos. Maging maayos ‘yung samahan namin. Kaso ‘yun nga, hindi na po nasundan after nung Ball.

“Humingi siya ng time, ganyan, oras. Siguro hindi raw muna ngayon, balang araw daw, ganyan. So ‘yun po, naintindihan ko naman po, ibinigay ko po sa kanya ‘yun,” paliwanag ni McCoy.

Hindi naman maamin ni McCoy kung totoong naging magkarelasyon sila ni Elisse.

“Hindi ko masabi na naging kami. Siguro sa ganung parte, naging close lang kami off-cam. Ayoko na ring magsalita tungkol d’yan para hindi na rin magkaroon ng problema lalo na sa pamilya namin.”

Willing pa ba ulit siya na makatrabaho si Elisse?

“Ako naman, open po ako sa lahat. Ayoko pong tumatanggi talaga sa blessing. Mahirap man ‘yan o madali, may matututunan ka d’yan, eh. Mas nagiging matibay ako bilang ako,” sabi ni McCoy.

Regular na napapanood si McCoy sa It’s Showtime at isa siya sa mga nominado sa katatapos lang na PMPC Star Awards for Television para sa kategoryang Best Single Performance by an Actor para sa pagganap niya sa isang episode ng Ipaglaban Mo.

-Ador V. Saluta