Isang 45-anyos na lalaki ang namatay nang barilin sa bibig ng riding-in-tandem habang hinahanap ang kanyang apo sa Sta. Ana, Maynila, Martes ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa Sta. Ana Hospital si Rogelio Moraleda, 45, alyas “Nognog”, at residente ng Pasig Line Street, sa Sta. Ana.

Batay sa ulat ni Insp. Glenzor Vallejo, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 8:02 ng gabi nang mangyari ang krimen sa naturang lugar.

Nauna rito, nasa kalsada si Moraleda at tumutulong sa kaanak niyang si Celita Manzano, 50, sa paghahanap sa kanyang apo nang biglang lapitan at barilin nang malapitan sa bibig ng mga hindi nakilalang suspek, na kaagad tumakas matapos ang krimen.

Eleksyon

Mayoral bet, pumalag sa isyu ng driver niyang dinakip dahil sa 'food packs'

Nakahingi naman kaagad ng tulong si Manzano sa mga opisyal ng barangay at isinugod ang biktima sa pagamutan ngunit patay na ito.

Inaalam na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan sa mga salarin, gayundin ang motibo sa pagpatay sa biktima.

-Mary Ann Santiago