IBINALITA ni Dingdong Dantes na tapos na ang shooting nila ng pelikulang Fantastica, na kanilang MMFF entry ngayong taon.

Dingdong, Marian, at Vice

Ipinost ni Dingdong ang ginamit nilang clapper sa shooting at nakasulat doon ang “Last Day,” kaya nag-caption ni Dingdong, “It’s a wrap! What a fantastic experience, and I can’t wait to tell you more about it!”

Sumagot sa naturang post si Vice Ganda, ang bida sa nasabing pelikula ng, “Thank you very much!!! You are truly fantastic!!”

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Doble pa ang saya sa last shooting day ng Fantastic dahil bumisita si Marian Rivera sa set. Nagpaka-fan naman si Vice nang makita nang malapitan at personal si Marian. Ginamit pa nga niya ang hashtag na “faney” sa Instagram Story nila ni Marian.

“Napakaganda ni Marian!!! Mukha talagang artista! Nagmukha akong puchu puchu!”

May kasunod na tweet si Vice sa meeting nila ni Marian: “Oh, em!!! Marian Rivera joined us on our last shooting day of Fantastic. Honggondoooo!!! Muhang teen star!!! Nagpa-picture ako talaga!”

Humirit pa uli ang It’s Showtime host: “Nung natitigan ko ‘yung mukha ni Marian napaisip talaga ‘ko kung paano ‘ko naging artista!!! Di ako naka-recover agad! Fowtah ang ganda e! #faney.”

-Nitz Miralles