PAGKATAPOS maging Kapuso for the past 20 years, nagpaalam na ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Olcasid sa GMA-7. Naganap ang emosyonal na pamamaalam ng singer-actress sa 6th anniversary episode ng sarili niyang show ang na Sarap Diva.

Pinasalamatan ni Regine ang GMA executives sa naturang episode ng cooking show.

“Kay Miss Darling, maraming maraming salamat. Thank you miss Darling (de Jesus) for all the opportunities that you have given me.

“Sila Ma’am Lilybeth (Rasonable), sila Redgie (Magno), all my bosses, siyempre ang aking mga boss talaga, mga top, si Mr. (Felipe) Gozon at saka si Mr. (Gilberto) Duavit.

Relasyon at Hiwalayan

Pampabuwenas? Atong 'tinuka' si Sunshine sa cockfight

“I have stayed here for two decades. Maraming maraming salamat po sa tiwalang ibinigay niyo sa akin and for taking good care of me.”

Ginamit na rin ni Regine ang oportunidad na iyon para pasalamatan ang dating GMA-7 executive na lumipat sa TV5 ilang taon na ang nakalipas.

“And most of all, yung second mom ko, si Miss Wilma (Galvante). Maraming, maraming salamat, Ma’am Wilma.”

Bigla namang napaluha ang Asia’s Songbird habang patuloy na nagpapahayag ang kanyang pasasalamat sa direktor at staff ng show.

“I’m sure hindi ako perfect na katrabaho. I’m sure may mga times na nabubwisit kayo sa akin, so pasensiya. Tao lang. Minsan may dinadala but na-appreciate ko kayo.

“I have six years of wonderful memories sa ‘Sarap Diva’. I love everyone I worked with here.

“’Yung six years na ‘yun, like I said ang dami kong natutunan. Nakilala ko lahat. And dito po sa ‘Sarap Diva’, talagang family na po kami.”

Pagkaraan ay sinabihan niya ang viewers na patuloy na manood ng show dahil hindi ito mawawala at magpapatuloy pa.

“I’d like to thank our viewers and say this is not the end. You will continue to see ‘Sarap Diva’ and see a wonderful show with cooking and laughter.”

Tinapos ng singer-actress ang kanyang pamamalaan sa pagsasabing: “All I have is gratitude for GMA. Thank you very, very, very much for everything, for taking good care of me and my whole family.”

Naglabas din ang GMA ng kanilang statement sa pag-alis ni Regine sa network nitong October 13.

Ang unang appearance ni Regine bilang Kapamilya ay sa ASAP sa Australia, na magaganap sa October 20.

-ADOR SALUTA