“NANLILIGAW na ba si Arjo (Atayde) kay Maine (Mendoza), Reggee?”

Maine copy

Ito ang unang tanong sa amin ng isang taong malapit sa Kapuso star at Eat Bulaga host.

Base raw kasi sa litratong nakitang lumabas sa PEP.ph, ang saya-saya ng dalawa, at halatang enjoy si Maine na kausap si Arjo.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Marami pang itinanong sa amin ang aming kausap tungkol kay Arjo, at isa na rito kung playboy ang binata, dahil nasa hitsura raw nito ang babaero.

Kaagad naming sinagot ng hindi ang aming kausap, at tiniyak na one-woman-man ang aktor. Ikinumpara pa nga namin si Arjo sa kabayo na may takip ang gilid ng mga mata, dahil nasa iisang direksiyon lang ito nakatingin, sa karelasyon niya.

“Masuwerte si Maine pala, kasi parang playboy tingnan. Surprisingly, hindi pala, Reggee? Maine is simpleng-simple. She deserves someone na hindi full of himself,” sabi pa sa amin ng taong concerned sa dalaga.

Inalam din namin kung kumusta na ‘yung non-showbiz boyfriend ni Maine na napapabalita.

“Wala na ‘yun!” kaswal na sabi sa amin.

At tungkol naman daw sa bashers, sinabi ng kausap namin na hindi naman daw siguro mangyayaring ma-bash si Arjo kapag nalaman ng supporters ni Maine na seryoso ang aktor sa intensiyon nito sa dalaga.

“Hindi sila same network, the fans cannot accuse Arjo na gamitin si Maine,” katwiran pa ng kausap namin.

Tinanong namin kung boto ang taong malapit kay Maine kay Arjo.

“Well, push lang niya and prove niya more his true intentions.”

So, boto nga! Ha, ha ha!

-REGGEE BONOAN