HINDI natuloy ang concert nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa Chumash Casino Resort sa California sa Amerika dahil sa “unforeseen circumstances”.

Ogie at Regine copy

Nagpalabas na ng opisyal na pahayag ang Chumash at humingi na rin ng paumanhin.

“We apologize for any inconvenience this may have caused and look forward to seeing you at a rescheduled date,” saad sa post ng Chumash.

ALAMIN: Viral OOTD ni Carlos Yulo, magkano nga ba?

Nag-post na rin si Regine tungkol dito: “Sa kasalukuyan po, the shows this weekend are postponed. (Chumash and Morongo). Sa hindi inaasahang pangyayari hindi po kami nakalipad.

“We appreciate your prayers that all will be well. God is good.”

Una na ring nasulat na nagkaproblema sa visa si Regine kaya hindi nakalipad para sa series of shows sa Amerika.

Pero kahit may announcement na at may paliwanag na rin si Regine. May naniniwala pa ring may nagsabotahe para hindi makaalis sina Regine, at pinagbintangan pang nasa likod nito ang GMA Network, dahil sa balitang lilipat na si Songbird sa ABS-CBN.

Unfair naman ito sa GMA Network, dahil wala silang kinalaman sa US Embassy at sa issuance ng visa sa mga gustong bumiyahe pa-Amerika.

Bukod doon, tahimik ang network sa paglipat ni Regine. Sabi pa nga, pinayagan naman si Regine nang magpaalam na lilipat ng network.

Anyway, ang balita, papasok sa ASAP si Regine at sa November na siya mapapanood. Isa lang ang ASAP sa mga shows ni Regine sa ABS-CBN.

-NITZ MIRALLES