NAHILA ng defending four-time champion National University ang matikas na winning streak sa 70, habang naisalba ng Far Eastern University ang matikas na ratsada ng karibal sa triple overtime sa UAAP Season 81 women’s basketball tournament nitong Sabado sa Smart Araneta Coliseum.

Ginapi ng Lady Bulldogs ang University of the East, 80-53, sa rematch ng nakalipas na Finals para makalpait sa inaasam na ‘sweep’ sa first round habang naungusan ng Lady Tamaraws ang University of Santo Tomas, 91-87, para sa ikalimang panalo sa anim na laro.

Nadomina ng La Salle ang University of the Philippines, 81-60, para manatiling nasa ikatlong puwesto na may 4-2 marka, habang ang Adamson University ay nananatiling kumikikig sa Top Four matapos ang 72-54 panalo kontra Ateneo.

Magkasosyo ang Lady Falcons at Tigresses sa ika-apat na puwesto tangan ang 3-3 mrka, habang ang Lady Eagles fay laglag sa 2-4.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew