SITSIT sa amin ng taga-ABS-CBN, kahit na si Carlo Aquino ang ka-date at kasamang rumampa ni Angelica Panganiban sa red carpet ng ABS-CBN Ball 2018 nitong Sabado ay nakitang kasama rin ng aktres si Zanjoe Marudo sa venue ng party, at kinunan pa sila ng litrato.

Angelica copy

Si Zanjoe ang leading man ni Angelica sa teleseryeng Playhouse, na napapanood bago mag-It’s Showtime. Ito ang bagong sinusubaybayan ngayon ng TFC subscribers, dahil naaaliw daw sila sa kuwento.

“Maganda kasi ‘yung batuhan nina Zanjoe at Angelica ng linya, natural. Lalo na si Angge, parang hindi naman na siya umaa-acting pa.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Saka napaka-Pinoy talaga ng kuwento, ‘yung close ties ng bawat family. Maski na may alitan ‘yung in-laws nagkakasundo rin. Sakto nga ‘yung ganitong programa, kasi dito sa Amerika bilang sa daliri sa kamay ang maayos ang pamilya. Maski nga mga Pinoy dito hindi naman na ganyan, kanya-kanya na silang lakad walang pakialamanan.

“Kaya mas masarap talagang magpalaki ng mga anak sa ‘Pinas kaysa rito sa Amerika. Naiiba na kasi ugali paglabas nila ng bahay, tapos busy pa ang magulang sa work, so hindi na natututukan pa,” kuwento sa amin ng kaklase namin nung high school na matagal nang nasa Amerika, at aminadong nami-miss na niya ang Pilipinas.

“Napaka-warm ng kuwento ng Playhouse. Prang ‘yung kuwento rin dati ng Please Be Careful (with my Heart), pero siyempre mas gusto ko ‘yun, die-hard fan ako ng Jo-Chard (Jodi Sta. Maria at Richard Yap), eh.

“Huy, teka, ‘di ba kasama rin si Carlo sa Playhouse? Kelan siya ipapakita?”tanong naman ng isa pang kaibigan naming nasa San Francisco, USA.

Nagtanong kami sa taga-Playhouse kung kailan lalabas si Carlo sa serye.

“As of now po inaayos pa kung anong week lalabas. Sabi kasi week 4, pero not sure pa po.”

Oo nga nasa week 3 pa lang naman ang umeereng kuwento ngayon ng Playhouse kaya wala pa, at saka ini-establish pang mabuti ang relasyon nina Angelica (Patty) at Zanjoe (Marlon) bilang guardian ng batang si JJ Quilantang (Robin).

Ipinakikitang mega-effort si Marlon na sana ay magkabalikan sila ni Patty pero mukhang ayaw na ng huli. Hmm, hindi kaya dahil kay Carlo na papasok sa kuwento kaya ayaw na nang balikan ni Patty ang asawa?

Ang haba nga talaga ng hair ni Angelica, naiipit siya kina Carlo at Zanjoe!

-Reggee Bonoan