MAS umingay pa ang mga espekulasyon na iiwan na ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid ang Kapuso network nang mamataan siya sa ABS-CBN Ball last Saturday.

Jaya

Sa isang photo op sa event, nakitang magkasama sa mesa si Regine at ang kaibigan at kapwa singer na si Jaya.

Kaya nahingan ng pahayag ng press people sa event ang soul singer sa napapabalitang paglipat ni Regine sa ABS-CBN?

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Matagal ding magkasama ang dalawa sa mga Kapuso program, hanggang sa lumipat sa Dos si Jaya ilang taon na ang nakakaraan. Naging regular na sa ASAP si Jaya at sa noontime show na It’s Showtime, bilang isa sa mga hurado ng “Tawag ng Tanghalan”.

“You know, my friend is in the business for so long, she can do whatever she wants, she can sing whatever she wants to sing,” pahayag ni Jaya.

Hindi man kinumpirma o idinenay ni Jaya ang paglipat ni Regine ng istasyon, nasabi niyang marami nang excited sa magiging desisyon ng itinuturing niyang malapit na kaibigan sa industriya.

Excited din si Jaya sa mga inihahanda nang sorpresa ni Regine para sa mga tagahanga nito.

“I’m very excited for her because kahit ang tagal-tagal na niya sa business, she’s still willing and always open for many different things,” sabi pa ni Jaya.

“I’m excited to see the new things that are about to unfold,” makahulugan pang pahayag ni Jaya.

-Ador V. Saluta