PINATULANni Paolo Ballesteros ang netizen na walang magawa sa buhay at nag-comment sa Instagram post ng TV host sa picture niyang napakaganda.

Nag-comment ng “Bakla” ang lalaking basher, at sinagot siya ni Paolo: “Mas pogi naman sa ‘yo.”

Palakpakan ang followers ni Paolo. Nagkani-kanya rin sila ng sagot sa basher at kinuyog ito. Tinawag nilang “bitter” ang basher, at tinawag din ng bakla.

Pero dumepensa ang basher. Ginaya lang daw niya ang tawagan nina Paolo at Allan K sa Eat Bulaga. Nag-“I love you” pa nga siya kay Paolo.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Hindi na natututo ang mga basher, na kung walang magandang sasabihin ay manahimik na lang o magbasa na lang ng comments, pero huwag mam-bash, dahil tiyak na babalik sa bashers ang anumang sasabihin niya.

Natutuwa kami kapag nakakabasa ng pagsagot ng celebrities sa kanilang bashers, at hindi pagpatol ang dating sa amin nun. Tama lang na sagutin ang mga basher na walang ginawa 24/7 kundi bantayan ang bawat kilos at sasabihin ng mga celebrity, para lang may masabing hindi maganda.

Nitz Miralles