Nagluluksa ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) sa pagpanaw ng Pilipinong si Bishop Wenceslao S. Padilla, ang unang obispo ng Mongolia, na namatay sa sakit sa puso nitong Martes.
Sa post ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) News, binanggit ni Fr. William LaRousse, FABC acting assistant secretary general, ang kontribusyon ni Padilla sa FABC, kinatawan ang iba pang associate members ng central
committee ng samahan sa loob ng siyam na taon mula 2009 hanggang 2017, sa pagsilbi niya sa tatlong termino.
“We are deeply grateful for his generosity and availability as presider of various FABC plenary assemblies and programs as well as his valuable contributions during the central committee executive and offices meetings,” ani LaRousse.
Si Bishop Padilla ay natagpuang patay sa kanyang opisina sa Ulaanbaatar, Mongolia dakong 7:00 ng gabi, noong Setyembre 25. Kinumpirma ng mga awtoridad na walang foul play sa biglaang pagpanaw ng pari, na magdaraos sana ng ika-69 taon na ngayong araw, Setyembre 29. Itinakda ang kanyang funeral sa Ulaanbaatar Cathedral sa Oktubre 14
Dalawampu’t limang taon simula nang italaga si Padilla bilang unang obispo ng Mongolia noong 2003, mayroon na ngayong mahigit 60 missionaries mula sa 12 religious congregations ang nagsisilbi sa halos 1,200 katoliko sa anim na parokya ng bansa.
-Christina I. Hermoso