Tinatayang aabot sa 20 pamilya ang nawalan ng bahay sa pagsiklab ng apoy sa isang residential area sa Baseco Compound sa Port Area, Maynila, bago maghatinggabi nitong Huwebes.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Ermita Police Station 5 (PS-5), sumiklab ang apoy sa dalawang palapag na barung-barong na pagmamay-ari ni Corazon Anton at na matatagpuan sa Block 1, Row 2, Unit B Habitat, Baseco Compound, sakop ng Barangay 649, dakong 11:20 ng gabi.

Mabilis na rumesponde ang mga pamatay sunog at idineklarang under control dakong 11:50 ng gabi, bago tuluyang naapula pagsapit ng 12:13 ng madaling araw ng Biyernes.

Patuloy na inaalam ang sanhi ng sunog, na umabot sa ikalawang alarma, habang nasa P70,000 ang halaga ng mga natupok.

Internasyonal

Higit 200 pasahero sa nag-crash na Air India plane, patay; isa, nakaligtas!

-Mary Ann Santiago